Tuesday, 1 October 2019

Sidhaya

YUNIT I: MGA KONSEPTONG PANGWIKA

ARALIN 1 Wika,Komunikasyon,at Wikang Pambansa




WIKA
Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay pasulat na letra na inuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao.Ang wika ay sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitaryo upang magamit ng mga tao kabilang sa isang kultura.

Daluyan ng Pagpapakahulugan
1.Ang lahat ng wika ng tao ay nagsimula sa TUNOG.Mga tunog na ito na mula sa paligid,kalikasan,at mula mismo sa tunog na nilikha ng pagbigkas ng tao.Kung kaya't ang konseptong"ponosestrismo"na nangangahulugang "una ang bigkas bago ang sulat"ayon kay Ferdinand de Saussaure.
2.Ang SIMBOLO ay binubuo ng mga biswal na larawan,guhit,o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan.Halimbawa nito ang simbolo ng krus,araw,ahas,elemneto ng kalikasan(lupa,tubig,apoy,hangin),at marami pang iba na sumasalamin sa unibersal at iba't ibang kahulugan mula sa sinaunang sibilisasyon hanggang ngayon.
3.KODIPIKADONG PASULAT ang sistema ng pagsulat tulad ng paggamit ng CUNEIFORM o tableta ng mga Sumerian,Papyrus ng mga Egyptian,at ang paglitaw ng mga BIEROGLYPB sa sinaunang Ehipto at ng alpabetong Phoenician,Griyego,at Romano.
4.Ang GALAW at tumutukoy sa ekspresyon ng mukha,kumpas ng kamay,at galaw ng katawan o bahagi ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe.Halimbawa nito ang pagkunot ng noo,pagsasalubong ng mga kilay,pagkaway,at iba pa.
5.Ang KILOS ay tumutukoy sa kung ano ang ipinahihiwatig ng isang ganap na kilos ng tao tulad ng pag-awit,pagtulong sa tumatawid,at iba pa.
Gamit ng Wika
1.Gamit sa Talastasan
Pasalita man o pasulat,ang wika ay pangunahing kaangkapan ng tao sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin.
2.Lumilinang ng pagkatuto
Ang mga naisulat nang akda ay patuloy na pinag-araalan ng bawat henerasyon,tulad ng mga panitikan at kasaysayan ng Pilipinas na nililinang at sinusuri upang mapaunlad ang kaisipan.
3.Saksi sa Panlipunang Pagkilos
Sa panahon ng Rebulosyon,mga wika ng mga rebolusyonaryong ang nagpalaya sa mga Pilipino.Ito ang nagbuklod sa mga mamamayan na lumaban para sa ating kasarinlan sa tulong ng kanilang panulat,talumpati,at may akda.
4.Lalagyan o Imbakan
Ang wika hulugan,imbakan,taguan,o deposito ng kaalaman ng isang bansa.
5.Tagapagsiwalat Ng Damdamin
Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng nararamdaman.Maari itong pag-ibig,pagkagalit,o pagkapoot.
6.Gamit sa Imahinatibong pagsulat
Ginagamit ang wika sa paglikha ng mga tula,kuwento,at iba pang akdang pampanitikan na nangangailangan ng malikhaing imahinasyon.
Katergorya at Kaantasan ng Wika
1.Pormal ang isang wika kung ito ang kinikilala at ginagamit ng higit na nakakarami, sa pamayanan, bansa , o isang lugar.
a. Ang opisyal na wikang pambansa at panturo ay ginagamit sa pamahalaan at mga aklat pangwika sa paaralan. 
b.Ang wikang pampanitikan ay kariniwang ginagamit sa akdang pampanitikan. Masining at malikhain ang kahulugan ng mga salitang ito.
2.Di-pormal na wika ang madalas gamitin sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.May tatlo itong antas
a.Ang wikang panlalawigan ay mga salitang diyalektal; ginagamit ito sa partikular na pook o lalawigan;may pagkakaiba-iba sa tono at kahulugan sa ibang salita.
b.Ang wikang balbal ang katumbas ng slang sa Ingles. Ito ang mga nababago sa pag-usad ng panahon. Madalas marinig ang mga salitang ito sa lansangan.
c.Ang wikang kolokyal  ay ang mga salitang ginagamit sa pang araw-araw na pakikipag-usap

KOMUNIKASYON

Komunikasyon ay pagpapahayag, paghahatid, o pagbibigay ng impormasyon sa  mabisang paraan.
Antas ng Komunikasyon 
1.Ang INTRAPERSONAL na antas ng komunikasyon nakatuon sa sarili o paraan ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng dasal,meditasyon,at pagninilay-nilay.
2.Ang INTERPERSONAL na antas ng komunikasyon nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok.
3.Ang ORGANISASYONAL na antas ng komunikasyon ay nagaganap sa loob ng isang organisasyon tulad ng paaralan,kompanya,simbahan,at sa pahitan ng mga taong mah iba't iabng posisyon,obligasyon,at )responsibilidad.
Ang Pangkaraniwang Modelo ng Komunikasyon
Ang TAGAPAGPADALA(sender)ang pinagmulan ng mensahe.Dumadaan ang MENSAHE sa isang TSANEL(channel) upang maihatid ito sa patunguhang tao o destinasyon.TAGAPAGPAGANAP(receiver) ang tao o instutusyong pinadadalhan ng mensahe.Nagkakaroon ng TUGON,PUNA,O REAKSIYON(feedback) ang tagatanggap hinggil sa mensahe ng ng tagapagpadala.Ito ay bumabalik sa tagapagpadala.Sa pagpapaabot ng mensahe,maaaring hindi ito maintindihan dahil sa INGAY.

Tatlong Uri ng Komunikasyon

1.Ang KOMUNIKASYONG PAGBIGKAS,ang pinakapundasyon ng anumang wika at pagsasaling-kalinangan sa mahabang henerasyon.Ang sinaunang kalinangan ay nakabatay sa pagbigkas o pasalitang tradisyon tulad ng ritwal ng pananampalataya,pagtatanim,at pag-ari,pagpapagaling sa maysakit,kasal,pagsilang,at kamatayan.
2.Ang KOMUNIKASYONG PASULAT ay isa sa mahalagang salik ng kaalaman at edukasyon ng tao.Nkabatay sa alpabeto,gramatika,o estruksturang wika at kumbensiyong pangwika(protokol at etika,etnograpiya ng komunikasyon,konstekstong kultural) ang pagsulat ng isang tao.
3.Sa ngayon ay kasama na ang PAKIKIPAGTALASTASAN SA PAMAMAGITAN NG KOMPYUTER(computer-mediated communication o CMC)dulot ng pagpasok ng Internet.Nagkakaroon ng aktuwal at tuluyang komunikasyon habang gamit ng e-mail,chat,messenger,at social networking site.



ARALIN 2. UNANG WIKA,BILINGGUWALISMO,AT MULTILINGGUWALISMO SA KONTEKSTONG PILIPINO

Ano ang Kahalagahan ng Pambansang wika,multilingguwalismo,at unang wika sa pagkatuto ng mga mag-aaral?

 Wikang Pambansa At Multilingguwalismo
   Isang lingguwistikong realidad ang pagkakaroon ng maraming wika. Ang wikang Filipino ay binubuo ng maraming wika mula sa mga kasalong wika at ang mga banyagang wika. Subalit nagiging isyu ng dominasyon ng mga wika ang kasalukuyang agenda ng pagpaplanong pangwika. 

WIKANG INGLES
-wikang dinala ng mga mananakop na Amerikano at ipinalaganap sa pampubliko at kalaunan sa pambribadong edukasyon simula noong 1901.

UNANG YUGTO 
-kung kailan una itong pinangalangang wikang pambansa noong 1935

IKALAWANG YUGTO NG WIKANG TAGALOG
-kung kailan una itong ginawang isang pang-akademing asignatura noong 1940

UNANG YUGTO NG WIKANG PILIPINO
-kung kailan ang pangalang TAGALOG ay pinalitan ng pangalang PILIPINO noong 1959

IKALAWANG YUGTO NG WIKANG PILIPINO
-kung kailan pinanatili itong wikang opisyal at wikang pang-akademiko ngunit tinanggalan ng katunayan.

ANG UNANG WIKANG FILIPINO
-ang artipisyal na wika na balak buuin ng KONSTITUSYON noong 1973 at papalit sa wikang Pilipino bilang wikang pambansa 

ANG IKALAWANG WIKANG FILIPINO
-nang ang wikang Pilipino ay muling kinilala bilang wikang opisyal, akademiko at pambansa.

MONOLINGGUWALISMONG INGLES
-dahil ayaw ng mga Amerikanong ipagpatuloy ang paggamit sa wikang Espanyol.

UNANG BILLINGGUWALISMO
-na umusbong sa ating kasaysayan at nakapaloob sa isang hindi nagtagal na pamantayang inilabas noong 1970 na nag-uutos na tanging wikang Pilipino na lamang ang gagamitang midyum sa pagtuturo sa lahat ng antas pang-akademiko.

UNANG MULTILINGGUWALISMO
-na pumalit sa ikalawang billingguwalismo sa umiral lamang nang tatlong taon. Ipinatupad ito noong 1973 at nag-utos na gamitin ang mga unang wika bilang midyum ng pagtuturo hanggang sa ikaliwang baitamg na susundan naman.

IKATLONG BILLINGGUWALISMO
-na pumalit sa unang multillingguwalismo na umiiral lamang nang isang tao.

IKALAWANG MULTILINGGUWALISMO
-na ipinatupad noong panunungkulan ni Pangulong Corazon Aquino at mistulang pinagsamang unang multilingguwalismo at ikatlong bilingguwalismo

IKATLONG MULTILINGGUWALISMO
-ang kasalukuyang pambansang patakarang pangwika na ipanatupad noong 2009 at nakabatay sa sistematikong pananaliksik tungkol sa Mutlilingguwalismo.


ARALIN 3
LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD AT URI NG WIKA

Mga salik ng lingguwistikong komunidad

1.May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba- homogenous ang wika, ibig sabihin iisang anyo at uri o barayti ang wikang ginagamit
2.Nakapagbahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasyon nito- katulad ito ng kinagawiang interpersonal na komonikasyon gamit an pahiwatig  ng mga Pilipino
3.May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika
    Samakatawid,ipinapalagay nito ang linnguwistikong komunidad ay umiiral lamang sa sektor,grupo o unit na nagkakaunawaan sa isasang gamit nila ng wika.(homogenous)na may kaisahan sa uri o anyo;nagkakaintindihan sila sa tuntunin nito,at naibabahagi ng bawat isa ng parehong pagpapahalaga at damdamin sa paggamit nila ng wika at pakikitungo nila sa isa't isa.

Halimbawa:
Sektor - mga manggagawa na malay sa kanilang karapatan at tungkulin sa bayan na nagbubuklod sa pagsagpi sa kilusang paggawa
Grupong pormal - bible study group na nangangaral sa salita ng diyos
Grupong impormal - barkada, 
Yunit - team ng basketbol;orginasisayon ng mga mag-aaral sa paaralan

MULTIKULTURAL NA KOMUNIDAD
sa usapin ng wika nagiging iba-iba, samot-sari, o marami ang mga wika dahil sa multikultural nating katangian, identidad, at pinagmulan. Sa multikultural na komundad, multiligguwal ang mga kasapi nito. Ang ugnayang nabubuo ayy nahahangad ng pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba
Halimbawa
Internasyonal - United nations; UNICEF;at iba pa
Rehiyonal - European Union; ASEAN; at iba pa
Pambansa - mga bansa at estado na may iba't ibang etnolingguwistikong pangkat tulad ng Pilipinas, Indonesia, Japan at iba pa
Organisasyonal - Microsoft; Google ; Nestle; at iba pa 

SOSYOLEK, IDYOLEK, DIYALEKTO, AT REHISTRO
Sosyolek - ay uri ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan
Idyolek - ay ang natatangi't espesipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao.
Diyalekto - ay uri ng panunahing wika na nababago, nagbabago, o nagiging natatangi dahil ginagamit ito ng mga taong nasa ibang rehiyon o lokasyon

Rehistro - nauukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng komunikasyon.


ARALIN 4
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA AT ANG FILIPINO BILANG WIKANG GLOBAL

Taong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa."
Isang arkipelago ang Filipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika. Ang maganda sa penomenong ito ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mulat na mga kritiko katulad ni Isagani R. Cruz ang nagsasabing “isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng Filipinas."
Ang wika ayon kay Gleason Henry, ito at isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitaryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura.
Dayagram ng Alpabetong Pilipino

Taong 1935 sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika." (Art. 14, Sek. 3)

1955--
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklamsyon Blg. 186 bilang pagsusog sa Proklamasyon Blg.12 serye ng 1954 upang ilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon mula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto.
Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."

Noong 1971, nadama ang di-kasapatan ng dating Abakada sa malawakang panghihiram ng mga salita at sa pagbabaybay ng mga pantanging ngalan. Bunga nito, nilikha ng Surian ng Wikang Pambansa ang Lupong Sanggunian na siyang nagsagawa ng mga pag-aaral. Nagkaroon din ng ilang public hearings ang Lupon sa Pambansang Wika ng Kumbensyong Konstitusyunal. Makalipas ang tatlong buwan, inilahad ng Lupong Sanggunian ang kanilang pasyang dagdagan ng labing-isang titik ang dating Abakada.

Abecedario------>Abakada

Bunga ng pagpapahintulot ng pagpapalimbag ng diksyunaryo at akiat sa gramatika ng Wikang Pambansa at ng pagpapasimula ng pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mga paaralan noong 1940, binalangkas ni Lope K. Santos ang bagong alpabeto na nakilala sa tawag na Abakada dahil sa tawag sa unang apat na titik niyon. Ang abakada ay binubuo ng dalawampung titik; labinlimang katinig at limang patinig, na kumakatawan sa isang makahulugang tunog bawat isa:

Alibata

Ito ay binubuo ng labimpitong titik: tatlong patinig at labing-apat na katinig.
Ang direksyon ng pagsulat ay isa pa ring suliranin sapagkat walang iskolar ang makapaglahad ng di-mapag-aalinlanganang katunayan a katibayan na makapagpapatotoo hinggil dito. Gayon man, ipinapalagay na malamang na tama ang teorya ni Padre Pedro Chirino na ang mga sinaunang Pilipino ay sumusulat nang pabertikal mula taas paibaba at pahorisontal mula kaliwa pakanan.

Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklamasyon Blg.12 na nagpapahayag na ipagdiriwang ang Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon sang ayon sa rekomendasyon ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang araw ni Balagtas (Abril 12) ay kabilang sa itinakdng Linggo ng Wika.

Dayagram ng Alpabetong Pilipino

Alibata

Sumusulat sila sa mga kahoy at kawayan, sa malalaking dahon, sa lupa at mga bato gamit ang kanilang balaraw o anumang matutulis na bagay bilang panulat at dagta ng mga puno at halaman bilang tinta.

Bunga ito ng mapanirang gawain ng mga unang misyonerong Kastila na dumating sa ating kapuluan dahil ipinalagay nilang ang mga iyon ay gawa ng demonyo. Ang ibang piraso ng literaturang pre-kolonyal ay naipasa sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng pasalitang paraan na lamang.

Ito ay mahalaga sa ating mga Pilipino na malaman kung paano nagsimula bilang Tagalog naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino na.

1987

Mga lumikha

Alibata------>Abecedario

Sa pagdating ng mga Kastila, napalitan ang lumang alibata ng alpabetong Romano. Itinuturing ngang isa sa pinakamahalagang impluwensya sa atin ng mga Kastila ang romanisasyon ng ating alpabeto. Tinuruan ng mga Kastila ang mga Pilipino sa paggamit ng alpabetong Romano. Ang mga titik ay tinawag nang pa-Kastila, alalaong baga’y nakilala sa tawag na Abecedario. Ganito ang tawag sa mga titik sa Abecedario

Pagkilala ng Sanggunian

ABECEDARIO---- 19 Let
1. Hindi malinaw kung paano tatawagin ang mga letra at kung paano ito pagsusunud-sunurin.

2. Ang pagsasama ng digrapong CH, LL, RR at NG, gayundin ang may kilay na n ay isang paraang di-matipid. Ang mga wika sa daigdig na may titik-Romano ay unti-unting nagbabawas ng kanilang mga digrapo upang makapagtipid at upang maging praktikal na rin. Ang pagdaragdag ng mga digrapo, kung gayon, ay isang hakbang na paurong.


Kung pagtuturo ng pagbabaybay ang pag-uusapan, kapag naisulat na ng isang mag-aaral ang C at H nang hiwalay, maisusulat na rin niya ang digrapong CH. Gayundin ang letrang LL, RR at NG. Ang letrang N naman ay may kilay lamang na N.




YUNIT II 
MGA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN


ARALIN 1
BILANG INSTRUMENTO

Maituturing na INSTRUMENTAL dahil natutugunan nito ang pangangailangan ng tao ng sumusunod:
1. pagpapahayag ng damdamin
2. panghihikayat 
3.direktang pag-uutos
4.pagtuturo at pagkatuto

WIKA ANG DALUYAN NG SALOOBIN AT PAGKATAO
-ginagamit natin ang wika para mapahayag hindi lamang ng mensahe kundi ng ating saloobin.
Si Prospero Covar ang nagsabing magkakaugna ang loob, labas, at lalim ng ating pagkatao.

WIKA NG PANGHIHIKAYAT AT PAGGANAP
Makapangyarihan ang wika para hikayatin ang mga tao na kumilos o gumanap at tupdin  ang tungkulin
Tinatawag na speech-act (malayang salin:bigkas-pagganap) ang paggamit ng wika ng isang tao upang paganapin at direkta o di-direktang pakilusin ang kausap niya batay sa nilalaman ng mensahe
Bigkas-pagganap - ay hango sa teorya ni John L. Austin.Sa kaniyang teorya (1962), nahahati sa tatlong kategorya ang bigkas-tunguong-pagganap
1.Literal na pahayag o lokusuynaryo- Ito ang literal na kahukugan ng pahayag
2.Pahiwatig sa konteksto ng kultura't lipunan o ilokusyunaryo - Ito ang kahulugan  ng mensahe batay sa konsektong pinagmulan ng nakikinig at tumatanngzp nito.
3.Pagganap sa mensahe o perlokusyonaryo - Ito ang ginawa o nangyari matapos mapakinggan o matanggap ang mensahe.


ARALIN 2
REGULATORYO

Ang REGULATORYONG bisa ng wika ay nagtatakda,naguutos,nagbibigay-direksyon sa atin bilang kasapi o kaanib ng lahat o ng alinmang institusyong nabanggit.
Ang wika ay REGULATORYO kung mayroon ito ng sumusunod na mga elemento:
1. Batas o kumon na nakasulat, nakikita, nakalimbag. o inuutos nang pasalita
2. Taong may kapangyarihan o posisyon na nagpapatupad ng kautusan o batas
3. Taong nasasaklawan ng batas na sumusunod dito
4.Konteksto na nagbibigay-bisa sa batas o kautusan

TATLO ANG KLASIPIKASYON NG WIKA AYON SA REGULATORYONG BISA NITO
1. Berbal- ang tawag sa lahat ng kautusan, batas, o tuntunin na binabanggit lamang nang pasalita ng pinuno o sinumang nasa kapangyarihan
Halimbawa: Pamilya, Guro
2. Nasusulat, nakalimbag, at Biswal - ang lahat ng kautusan, batas, o tuntunin na mababasa, mapapanood, o makikita na ipinatutupad ng nasa kapangyarihan.
Halimbawa: Saligang Batas o Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, Mga batas na ipinasa ng Kongreso
3. Di nasusulat na Tradisyon - ang mahabang tradisyon ng pasalin-saling bukambibig na kautusan, batas, o tuntuning sinusunod ng lahat
Halimbawa: Sa patriyarkal na lipunan, ang tagapagmana ng negosyo ay laging ang panganay na lalaki.

GAMIT NG WIKA AYON SA REGULATORYONG BISA NITO
1.Pagpapatupad ng batas, kautusan, at tuntunin sa pamahalaan at ibang institusyong panlipunan
2.Pagpapataw ng parusa sa susuway  sa mga batas , kautusan, at tuntunin
3.Partisipasyon ng mamamayan sa paggawa ng tuntunin, polisya, at batas
4.Pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa mga komunidad at ugnayan ng mamamayan
5.Pagtatakda ng polisya, batas, at kautusan para sa kaunlaran at masaganang kabuhayan ng lahat para sa pantay na oportunidad

ILANG HALIMBAWA NG REGULASYON O BATAS
1.Saligang Batas o Konstitusyon- ang pundamental na batas ng bansa dahil lahat ng batas lilikhain at yaong mga umiital na ay nakabatay ito.
2.Batas ng Republika - ang batas na inakda ng Kongreso
3.Ordinansa- ay kautusan o batas na ipinatupad sa mga probinsya, siyudad, at munisipyo.
4.Polisya- ay kautusan o desisyong ipinatupad sa isang organisasyon, ahensiya, o kompanya.
5.Patakaran at Regulasyon - ay ipinatutupad na kautusan o alintuntunin sa paaralan, kompanya, pribadong organisasyon, at iba pang samahan.



ARALIN 3
INTERAKSIYONAL

INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON
 Nagiging INTERAKSIYONAL ang wika dahil ang tungkulin nito ay ang tulungan tayong makipag-ugnayan at bumuo ng sosyal na relasyon sa ating pamilya,kaibigan,o kakilala.
ANG INTERAKSIYON SA CYBERSPACE
Nagsimula nang tumakbo ang kabanata Web 2.0,ang kasalukuyang bersiyon ng Internet na higit na pinalawig,pinalawak,at makapangyarihan.Nabubuksan ang komunikasyon at nakikilala ang iba't-ibang kultura.Nilikha ang tensiyon,ugnayan,di-pagkakaunawaan(conflict),maging ang bagong kultura sa espasyong ito.

Mga Halimbawa ng interaksiyon sa Internet
Dalawahan
1.E-mail
2.Personal na mensahe o instant message
Grupo
1.Group chat
2.Forum
Maramihan
1.Sociosite
2.Online Store


ARALIN 4
PERSONAL 

Personal Bilang Pagkatao
Ayon sa mga siklohiyang sina Katherine Briggs at Isabel Myers(1950)batay sa personality theory ni Carl Jung(1920),mayroong apat na dimensiyon ang ating personalidad:
1.Panlabas laban sa Panloob(Extraversion vs. Introversion)-inilalarawan kung paano nagkaroon ng enerhiya
2.Pandama laban sa Sapantala(Sensing vs. Intuition)- inilalarawan kung paano kumukuha ng impormasyon ang mga tao
3.Pag-iisip laban sa Damdamin(Thingking vs. Feeling)- inilalarawan ang paraan na ginagamit ng isang tao sa pagdedesisyon
4.Paghuhusg laban sa Pag-unawa (Judging vs. Perceiving)- inilarawan ang bilis pagbuo ng desisyon ng isang tao.

PERSONAL BILANG PAGPAPAHAYAG NG SARILI
Ayon sa pag-aaral ni Halliday(1973)tungkol sa gamit ng wika,isa sa mga kategorya ay ang PERSONAL.Ginagamit ang wika upang maipahayag ang sarili at anumang pansariling layunin.Kaakibat ng personal na pagpapahayag nang pasalita man o pasulat,nakapagpapahayag din ng personal na kalooban ang isang tao sa pamamagitan ng "selfie".ang "selfie" ayon sa isang diksyonaryong urban ay ang pagkuha ng larawan ng iyong sarili sa planong i-upload sa anumang social networking site.

MALIKHAING SANAYSAY 
Ang SANAYSAY ayon kay Alejandro G. Abadilla ay "nakasulat na karanasan ng isang tao na sanay sa pagsasalaysay".Ito ay nagmula sa sa dawang salita-sanay sa pagsasalita.Ang sanaysay ay naglahahad ng opinyon,kaisipan,reaksiyon,at saloobin ng manubulat.
Ang MALIKHAING SANAYSAY ay naglalaman ng sariling pananaw ng may-akda at nasa puntodebista ng manunulat.Madalas gamitin ang "ako"o unang paunahan bilang puntodebista.
Halimbawa:
Biograpiya-talambuhay na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa sa mga tunay na tala,pangyayari,at impormasyon.
Awtobiograpiya-talambuhay ng isang tao na siya mismo ang sumulat
Alaala(Memoir)-salasay o kuwento ng buhay na pinagdaanan
Sanaysay o tala ng paglalakbay-pasalaysay na paglalarawan ng mga lugar na nabisita o napuntahan
Personal na sanaysay-pagsasalaysay ng mga personal na pagyayari sa buhay
Blog-isang webpage o online na dyornal na maaaring ma-access ng madla 
Bahagi ng Sanaysay 
1.Ang PANIMULA ang pinakamahalagang bahagi ng sanaysay dahil ito ang manghihikayat sa babasa.Maaring gumamit ng mga sipi,retorikal na tanong,at etimolohiya o pinanggalingan ng mahalagang salita.
2.Sa KATAWAN tinatatalakay ang mga katanungan sa panimula at inilalatag ang mahahalagang ideya upang maipaliwanag ang paksa.Upang maging mabisa ng pagtalakay ang nararapat na huwag pagsama-samahin ang iba't ibang konsepto sa isang talata.
3.Sa WAKAS patutunayan na malinaw ang mga konseptong tinatalakay sa katawan ng sanaysay.Bibigyan ang kongklusyon ang sanaysay upang maipahatid sa mababasa ang diwa ng binasa.

Mga Paalala sa Pagsusulat ng Masining na Sanaysay
1.Pumili ng paksang may dating sa babasa.
2.Gumawa ng balangkas
3.Gumamit ng mga salitang akma sa paksa at inaasahang babasa.
4.Tiyaking tama ang gramatika.
5.Gamitin ang sariling materyal(talaarawan,tala,larawan,at iba pa)o kaya'y magsaliksik.
6.Magbigay ng kakaibang pananaw at malikhaing bisyon.



ARALIN 5
IMAHINATIBO

ANG WIKA BILANG DALUYAN NG IMAHINASYON
-sabi nga ni Halliday na ang imahinatibong wika ay ginagamit sa paglikha, pagtuklas at pag-aliw. Nagiging imahinatibo ang wika kapag ginagamit ito sa pagpapahayag imahinasyon sa malikhaing pamamaraan.
koy
Isa sa mga halimbawa ng daluyan ng imahinasyon ay ang Wattpad. Ang Wattpad ay isang pakikipag-ugnayan sa pagsusulat na ang gumagamit ay maaaring mag-post ng artikulo, fan fiction, at tula tungkol sa kahit anong paksa, online man o gamit ang Wattpad application.

GAMIT NG WIKA SA IMAHINATIBONG PANITIKAN
Inilarawan ng IMAHINATIBONG PANITIKAN ang iba't ibang anyo ng panitikan kabilang ang 
1.Pantasya
2.Mito
3.Alamat
4.Kuwentong Bayan
5.Siyensang Piksiyon

-ang mga kuwentong ito ay piksiyon at karaniwang nagtataglay ng mahika, nilalang na bunga ng imahinasyon.

ANG SIYENSIYANG PIKSIYON SA WIKANG FILIPINO
-ang Siyensiyang Piksiyon ay ang panitikan ng tao na dumaranas ng pagbabago, maaring itoy sa pamamagitan ng siyentipikong pagtuklas.
-ang Siyensiyang Piksiyon ay isang kategorya ng piksiyon na mayroong imahinatibong nilalaman, tulad ng sitwasyong panghinaharap, makabagong teknolohiya, paglalakbay sa kalawakan, paglalakbay sa panahon nang mabilis pa sa liwanag, at pagpapakita ng magkatulad sa mundo.


ARALIN 6
HEURISTIKO AT REPRESENTATIBO
Heuristiko - Pag-iimbestiga, Pag-eekspirmento kung tama o mali.Pagtuklas sa ating paligid at sa pagkuha ng luma at bagong kaalaman
Representatibo - Ipaliwanag ang datos, impormasyon, at kaalamang ating natutuhan o natuklasan at kung nais nating iulat ang mga ito sa publiko o kahit kanino.

ANG APAT NA YUGTO TUNGO SA MAUGNAYING PAG-IISIP
1.Paggamit ng Sintidong-kumon - ang pinakakaraniwang paraan ng pag-iisp at pangangatwiran.
2.Lohikal na Pag-iisip - binubuo ito ng tatlong uri.
a.Lohika ayon sa Pangangatwiran o Argumento - Higit pa sa sanhi at bunga, ang lohika ay umiikot sa ugnayan ng mga pahayag at kongklusyon. Argumento ang tawag kapag napapatunayan ang bisa ng kongklusyon ayon sa detalye, ebedinsya, at pangangatwirang nakasaad sa pahayag
b.Lohika ayon sa Pagkasunod-sunod - Kasama rin sa lohikal na pag-iisp ang pagtukoy sa pagkasunod-sunod ang mga pangyayari o proseso
c.Lohika ayon sa Analisis - May dalawa itong anyo
-Hinuhang pangkalahatan- nagsisimula sa isang mahalagang ideya o tesis na kailangang patunayan sa pamamagitan ng pangangatwiran, ebidensya, halimbawa, obserbasyon o pananaliksik
-Hinuhang pambatayan- na kabaligtaran ng hinuhang pangkalahatan. Isinisaad muna ang mga batayan bago  makapaghain ng kongklusyon o pangkalahatang ideya
3.Kritikal na Pag-iisip - Mataas na antas ng pag-iisip na umiikot sa tatlong hakbang:(1)masusuing pagtukoy sa kaligiran ng suliranin(2)pagsusuri, pag-uuri, at pagpuna at(3)paglalatag ng alternatibo o kawaksing paliwanag.
a.Masusing pagtukoy sa kaligiran ng suliranin- Kung ang paksa ay tungkol sa pagtaas ng matrikula, ano-ano ang mga dahilan o salik sa pagtaas ng martikula?
b.Pagsusuri,pag-uuri,at pagpuna- Kung natimbang mo na ang isyu, saan ka pumapanig? Bakit? Surrin mo nang mabuti ang panig.
c.Paglalatag ng alternatibo- Hindi nagtatapos sa kritisismo ang lahat, kailangang maglatag ka ng solusyon o alternatibo tungkol sa pinag-uusapang-paksa
4.Maugnaying pag-iisip - ang pinakamataas na antas ng pag-iisip.Dito binabalanse ang iba't ibang pananaw at ideya mula sa maraming larangan, karanasan, at pagninilay-nilay
Halimbawa:
-Repleksiyon 
-Kritika
-Interpretasyon
-Pananaliksik na multidisiplinaryo
-Pananaliksik na interdisiplinaryo

PAG-UULAT-BISWAL:ANG POWERPOINT PRESENTATION
Ang POWERPOINT PRESENTATION(PPT) ay isang paraan ng paglalahad ng impormasyon.Maaring pagsamahin dito ang teksto, disenyo, grap, tsart, animation, tunog o video
Gabay sa Paggawa ng Report gamit ang PowerPoint
-Isipin kung sino ang makikinig sa presentasyon
-Iakma ang report na naka Powerpoint sa layuning nais matamo ng presentasyon:para saan ito?
-Magbigay ng pagamat na maikli ngunit nakapapukaw ng atensiyon
-Iwasang punuin ng teksto ang isang slide.
-Gawing maikli subalit tiyaking tatak sa isipan ang mga takapagkinig ang presentasyon.
-Gumamit ng magandang uri ng font at tamang laki nito na mababasa ng kahit sinumang nasa malayo (10-15 metro)
-Gumamit ng orihinal na larawan o kung wala nito'y ilagay ang sanggunian na pinagkunan ng larawan.
-Maaring maglagay ng tunog o video clip kung kinakailangan
-Gumawa ng pangwakas na slide bilang boud o kaya'y laan bilang pasasalamat.

MGA PANANDA PARA SA KOHENSYONG GRAMATIKAL
A.1.Anapora- ay panghalip na ginagamit sa pangungusap o talata upang tukuyin ang naunang nabanggit na pangngalan o paksa.
B.Katapora- ay panghalip na unang ginagamit sa pangungusap o talata bago banggitin ang pangngalan o paksang tinutukoy
C.Pangatnig- upang maging suwabe, madulas, at magkakaugnay ang mga ideya o pahayag ng pangungusap.

D.Panandang Salita-ito ay ang mga salitang makaktulong upang bigyang-diin,linawin,at pukawin ang atensiyon ng mga mambabasa o tagapagkinig.




YUNIT III

MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS

ARALIN 1
Wikang Filipino at Mass Media
 Pangmasang media,pangmadlang media,o mass media ang tawag sa pinakamaimpluwensiyahanl at masasabi ring pinakapangyarihan institusyon sa ating lipunan.Ang media ay isang institusyong panlipunan tulad ng pamilya,paaralan,simbahan,at pamahalaan na ang natatanging layunin ay maging tagapagbantay,tagapagmasid,taga-ulat ng mga pangyayari sa lipunan,maging tinig ng mamamayanan,at tagapaghatid ng mensahe sa kinauukulan.
Kinikilala ang media bilang Ikaapat na Estado(Fourth Estate) na unang ginamit ni Thomas Caryle noong 1841.
Ang mass media ay isa ring malaking industriya.Kasama sa sangay ng mass media ang pahayagan,,radyo,at telebisyon.
Samakatawid,isa itong malaking negosyo.Kumikita ito sa tulong sa pamamagitan ng mga patalastas.Ang mga patalastas sa telebisyon o radyo ay ginagawa ng mga advertising agency para sa mga multinasyonal na kompanya.Nagbabayad ang mga kompanyang ito para isingit o ilagay sa mga pahayagan,o Internet blog at website.

Radyo-ANG MEDIA NG MASA
Ang mga programa sa radyo ang pinakamalawak at may pinakamaraming naabot na mamamayan dahil sa higit 600 ang mga estasyon ng radyo sa buong Pilipinas.Pinakamura kase itong kumpara sa ibang media gadget.Maaari di itong umandar gamit lamang ang baterya na tipikal na paraan sa mga baryo o lugar na hindi pa naaabot ng elektrisidad.Pinakaabot-kamay ang programa sa radyo kahit saan mang lugar o panig ng bansa.Ang mga drayber ng taxi ay madalas nakikinig dito,pati ang mga nasa pribadong sasakyan,at ibang nasa nasa tahanan,restwrawn,at opinasina upang akinig ng balita,musika,o programang panradyo.Ito ang pinagkukunan ng balita,aliw,impormasyon,payo at serbisyong publiko ng mga tao.

PANONOOD BLINAG PAGBASA,PAGKATUTO,AT PAGKONSUMO
Naidagdag ang Panonood bilang ikalimang kasanayang pangwika.Ito ay Proseso sa pagbasa,pagkuhaat pag-unawa ng mensahe mula sa palabas.Isang uri ng palabas ang panonood dahil imbis na tekstong nakalimbag,ang tekstong audio-visual ang binibigyang-kahulugan at inuunawa ng manonood.
Mga Uri ng Palabas
A.Tanghalan\Teatro
Ang panonood ay maaaring panonood ng pagtatanghal bilang panlabas na umaarte ang mga tauhan;diyalogo\monologo;may iskoring o musika;at iba pa.Samakatawid,ang palabas ay kuwentong napapanood sa pagtatanghal sa teatro.
B.Pelikula
Tulad ng panonood sa teatro,nanonood tayo ng kuwento sa pelikula.Ngunit,kaiba sa teatro,nauna na ang oagtatanghal o pag-arte ng mga tauhan na nairekord   gamit ang kamera.
C.Telebisyon
Ang telebisyon naman ang midyum samantalang ang mga programa sa teelebisyon ang palabas.
D.Youtube
Dahil sa makabagong teknolohiya ng Internet,maaari na ring manood ng mga palabas sa Youtube.



ARALIN 2 Wikang Filipino,Internet,at Social Media
ANG HALINA NG INTERNET
-ang Internet ay mula sa dalawang pinagsamang salita na inter at networking. Ang Internet ang pinakamalaking aklatan ngayon at walang iisang teksbuk ang makatatapat dito.
Binabago ng Internet ang pamamaraan ng pagtuturo at kung saan ito maaring mangyari o magkaroon ng pagkatuto.

BLOG
-ay galing sa dalawang salita, web at log. Ito ay isang pangngalan na tumutukoy sa isang website na maituturing naman na isang blog dahil sa tema at mga nilalaman nito. Bilang isang pandiwa, ang blog o pagba-blog ay tumtukoy sa aksiyon ng paggawa o pagsusulat ng isang post na siyang ilalagay at magiging laman ng iyong blog.
-mula sa simpleng diary at dyornal, naging tulay din ito upang mapadali ang paghahanap ng impormasyon, kosepto at ibat ibang bagay na gusto nila. Blogger ang tawag sa tao o grupong nangangalaga, nagpapatakbo at nagsimula ng isang blog.

MGA URI NG BLOG


FASHION BLOG- ang pinakasikat na uri ng blog. Naglalaman ito ng damit o kung ano man ang bago na fashion.


















PERSONAL BLOG- nagbabahagi ng kanilang buhay.  










NEWS BLOG- ay nagbabahagi ng mga bagong balita sa mga mambabasa.









HUMOR BLOG- ito ay nagpapatawa o nagpapa-aliw ng mga mambabasa.










PHOTO BLOG- ay naglalaman ng mga litrato hanggang sa mga typographies.












FOOD BLOG- ang pangunahin at maaaring natatanging layunin ng blog na ito ay magbabahagi ng mga resipi.














VLOG- naglalaman ito ng video mula sa blogger.










EDUCATIONAL BLOG- upang maliwanagan ang mga mag-aral sa mga aralin na hindi nila maintindihan sa paaralan











ARALIN 3
WIKANG FILIPINO AT PAG-AARAL NG KULTURA


UGNAYAN NG WIKA AT KULTURA
KULTURA- ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay sa nakagawian o nakasanayan na ng mga tao sa isang lugar.

KAALAMANG BAYANG BILANG KUTURA NG PAMAYANAN
KAALAMANG BAYAN- ay umiiral na kuwento, panitikan, paniniwala, tiwal, gawi, at tradisyon ng mga mamamayan sa isang pamayanan o kalinangan na nagpasalin-salin sa iba't ibang lahi at pook dahil sa ito'y bukambibig ng taumbayan

IBA'T IBANG URI NG KAALAMANG BAYAN
AWITING-BAYAN- ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit parin
MGA URI NG KAALAMANG BAYAN
1.KUNDIMAN- ay awiting may tema ng pag-ibig na malungkot at mabagak.
2.KUMINTANG- ay dating sayaw ng digmaan na ngayon ay naging awit ng pag-ibig.
3.DALIT o IMNO- ay awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan, o pasasalamat.
4.OYAYI o HELE- ay awitin para sa pagpapatulog ng bata at karaniwang naglalaman ng mga bilin.
5.TALINDAW- ay awit sa pamamangka.
6.DUNGAW o DUNG-AW- ay makalumang tula at tradisyon ng mga Ilokano na inaawit bilang panaghoy ng isang taong namatayan.

ALAMAT- ay pasalitang panitikan tungkol sa pinagmulan ng iba't ibang bagay.
PABULA- ay isang maikling kuwentong kathang-isip na tumatalakay sa mga aral ng buhay ng tao.
EPIKO- ang pangunahing pasalitang anyo ng panitikang hinubog sa iba't ibang katutubong Pilipino.
KUWENTONG KATATAKUTAN- ito yung mga kwentong kababalaghan (urban legends)
PISTA- isang pagdiriwang ng isang tradisyonal na okasyon
PAGTITIPON- pagsasama-sama ang kahulugan ng pagtitipon o pulong ambagan, pagbuo.


ARALIN 4
WIKANG FILIPINO SA IBA'T IBANG SITWASYON AT REHISTRO NITO

Uri ng Wika
1.Heograpiya- saang lugar, pook, o bayan ginagamit ang wika
2.Gramatika ay ponolohiya- tuntuning pangwika batay sa gamit nito sa isang lugar, pook, at sitwasyon (talastasan, akademiko, propesyonal)
3.Sitwasyon- etnograpiya ng komunikasyon na tumutokoy kung pormal o impormal ang estilo ng usapan batay sa  mga kalahok sa komunikatibong sitwasyon at paksa o isyung pinaguusapan
4.Rehistro o estilo ng wika- espesipikong ng mga termino sa isasng lingguwistikong komunidad batay sa konteksto at sitwasyon ng paggamit.
limang rehistro batay sa iba't ibang sitwasyon at komunidad ng mga kalahok
a.Estatiko- hindi nagbabago o matagal ang pagbabago tulad ng nakasaad sa Saligang Batas
b.Akademikal/pormal- estilo ng wikang giagamit sa paaralan at pamantasan
c.Konsultatibo- estilo ng wikang ginagamit sa  negosasyon, pulong , at pagtitipon
d.Importal- gimagamit sa berbal na talastasan sa bahay, lansangan, kuwentuhan, huntahan, at iba pa.
c.Panlambing- ginagamit na wika ng magkasintahan, mag-asawa, at sinumang may malalim na ugnayan sa isa't isa.

GABAY SA REHISTRO NG WIKA SA IBA'T IBANG SITWASYON AT LARANGAN
Sa Yunit I Aralin 3, tinalakay ang rehistro ng wika bilang listahan ng mga teknikal at termino na ginagamit sa espesipikong larangan o propesyon.

URI NG REHISTRO
1.Neutral- batid halos ng lahat at ginagamit sa maraming sitwasyon, larangan. at pagkakataon.
2.Techinal- nakabatay ang kahulugan sa espesipikong larangan at propesyon.
3.In-house- natatangi sa isang kompanya o lugar dito nagmula ang termino at dito lamang ginagamit.
4.Bench-level- tawag ng mga gumagamit sa isang terminong tumutukoy sa gadget o applicatiob sa kyompyuter at iba pa.
5.Slang- impormal na termino na ginagamit sa impormal na sitwasyon at balbal din ang tawag dito.
6.Vulgar- terminong hindi ginagamit sa publiko o sa pormal na usapan dahil sa implikasyon sa moralidad, kagandahangasal at kultura dahil maaaring nakakasakit ng damdamin o mapanlait